Bituing Marikit

N. Abelardo

Bituing marikit sa gabi ng buhay

Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay

Yaring aking palad iyong patnubayan

At kahit na sinag ako'y bahaginan.

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig

Na pinakasasamba sa loob ng dibdib

Sa iyong luningning laging nasasabik

Ikaw ang pangarap Bituing marikit.

Lapitan mo ako, halina bituin

Ating pag-isahin ang mga damdamin

Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin

Sa batis ng iyong wagas na pag-giliw.