Himutok!

N. Abelardo

Dibdib ko'y tumanggap ng matinding sakit

Sanhi sa pagsinta't wagas na pag-ibig

Puso ko'y lunod na sa dagsa ng hapis

Saan kukuha pa ng pagtitiis?

Gayon iyong alam na wala nang lunas

Sa hirap kong ito kung 'di ang iyong habag

Ano't natutuwang iyo pangmamalas

Mga mapapait na luhang nanatak!

O, giliw ko't aking mutya,

nasaan ang iyong awa?

Di na makaya pang bathin

ang dulot mong hilahil;

Bigyan mo ng pag-asa,

pusong sumisinta!