Ikaw Rin

N. Abelardo

Irog! masdan mo ang pagtangis

Ng abang pusong api sa pag-ibig!

Tanging lunas na nga lamang di lagmoy masilip.

at itataghoy-taghoy ang mga pasakit na tinitiis.

Yaring pag-ibig ko man ay iyong dustain

madlang pasakit ibunton sa akin

Asahan mo, Irog! Magpahanggang libing

Ikaw rin ang siyang gigiliw-giliwin.

Asahan mo, Irog! Magpahanggang libing,

Ikaw rin ang siyang gigiliw-giliwin