Kundiman ng Luha

N. Abelardo

Paraluman sa pinta ng iyong dibdib

Isang puso ang naritong humihibik

Kaluluwang luksang-luksa at may sakit

Pagbuksan mo'y damayan kahit saglit.

Tingn'iyaring matang luha'y bumubukal

Humihingi ng awa mo't pagmamahal

Damhin mo rin ang dibdib kong namamanglaw

Yaring puso sa pagsinta'y mamamatay.

Ilaglag mo ang panyo mong may pabango

Papahiran ko ang luha ng puso ko

Ah! Pag-ibig kung ang “Oo” mo ay matamo

Hanggang sa hukay, hanggang sa hukay magkasama

ikaw at ako.