Kung hindi man

N. Abelardo

Irog sandaling dinggin ang aking pagtangis

Irog sandaling tunghan ang humihibik

Kung 'di man nararapat sa iyong dikit

Isang sulyap mo lamang, Aliw na ng dibdib.

Kung saki'y wala nang inilaang paglingap

At ang pagdurusa ko ang siya mong pangarap

Sa isang ngiti mong sa aki'y igawad

Libo mang kamatayan aking tinatanggap.