Magbalik Ka Hirang

N. Abelardo

Nararamdaman kong muling nagbabalik

Sa aking gunita ang iyong pag-ibig

Ngunit kung hanapin ko ang datihang tamis

Kahit sa pangarap ay di na masilip.

Nararamdaman kong sa aking gunita

Ay muling bumabalik ang araw ng tuwa.

Ngunit kung hanapin ko ang suyo't kalinga

Ay tila aninong dagling nawawala.

Magbalik ka sana, magbalik ka, hirang

Dati kong pag-asa'y di pa namamatay

At sa pagbalik mo ay iyong daratnang

Puso mo't pag-ibig ang nalalarawan.