Naku... Kenkoy!
N. Abelardo
Kahit saan ka naroon
Sa bayan man o nayon
Ang lagi mong kasalubong
Ay ang maharot na Kenkoy
Hayan na siya umuugong
Ang maluwang na pantalon
At hayan parang ulol
Habang daa'y umuungol.
Aruy! naku! Kenkoy.
Hoy! Hey! sh! You!
Pati noo'y inahit na
Kilos lakad ay nag-iba
Habang daa'y kumakanta
Ng Inggles na walang letra
(May ukulele pa)
Batiin mo kumusta ka?
At ang sagot, tingnan mo ba!
Hey! Tagalog mi no habla Hey,
Ay naku, naku Kenkoy.
At si Kenkoy ay popular
Sa lahat ng handaan
Ukelele'y tangan-tangan
Handa mo'y inaawitan
Hayan siya sumasayaw
Katawa'y anong gaslaw
Sumasabog ang laway
Walang tigil ng pag-ungal.
Aruy! naku! Kenkoy.
Hoy! Hey! sh!
Pati noo'y inahit na
Kilos lakad ay nag-iba
Habang daa'y kumakanta
Ng Inggles na walang letra
(May ukulele pa)
Batiin mo kumusta ka?
At ang sagot, tingnan mo ba!
'Hey! Tagalog mi no habla'
Ay naku, naku Kenkoy!