Nasaan ang Aking Puso?

N. Abelardo

Ako'y may isang pusong pinakamamahal,

Dugo niyang dumadaloy ang nagbibigay buhay;

Ngunit sa isang sandaling ako ay walang malay,

Ang puso'y 'di makita't tibok ay naparam. Ay!

Maanong maawa, maanong mahabag

Na isauli ang puso na kinuha't sukat

Kung alam ko lamang na iyong pag-iingatan

Ay kunin mo pati na ang buhay ko,

mahalin mo sana lamang.

Kung dahil sa iyo'y walang kailangan ang mamatay.