Nasaan Ka, Irog?

N. Abelardo

Nasaan ka, Irog?

Nasaan ka, Irog at dagling

naparam ang iyong pag-giliw?

Di baga sumpa mong ako'y mamahalin?

Iyong itatangi, iyong itatangi magpahanggang libing

Subalit nasaan ang gayong pagtingin?

Nasaan ka Irog at natitiis mong ako'y mangulila

At hanap-hanapin ikaw sa alaala?

Nasaan ang sabi mong ako'y iyong ligaya't

Ngayong nalulungkot, ngayong

nalulungkot ay di ka makita?

Irog ko'y tandaan!

Kung ako man ay iyong ngayo'y siniphayo,

Mga sumpa't lambing pinaram mong buo,

Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't

magsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pagsuyo.

Tandaan mo Irog, Irog ko'y tandaan.

Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't

magsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pagsuyo.

Nasaan ka irog! Nasaan ka Irog?