Pahimakas
N. Abelardo
Umaga na.
Umaga na, nag-aawitan ang ibon sa parang,
Ang kasawian ko'y pinag-uusapan.
Ay! wala na, Ay! wala na Alas!
Hanggang umaga'y ayaw ka pang manungaw.
Paalam na Irog,
Paalam na Irog kung di man iniibig
Nang nabubuhay pa ang bangkay ko man lamang
kaawaan mo na.
Ako'y paalam na, ako'y paalam na.
Hindi ko malaman ang patutunguhan.
Ako na'y paalam, ako na'y paalam.
Hindi ko malaman ang patutunguhan kung ako ay daratal
Sa luksang libingan kung ako ay daratal,
Sa luksang libingan kung di na magbalik
Iyong ipalagay na ako'y wala na.
Paalam, paalam.