Sa 'yong kandungan
N. Abelardo
Sa laot ng hatinggabi
Puso ko'y naglalamay,
Humahanap ng lunas
Sa dusa kong tinataglay;
Sa aki'y itinuro mo
Ang suminta at magmahal
At ngayong natutuhan ko
Iyo ng binayaan.
Halina irog ko awa mo'y ilawit,
At di na mabata dulot mong pasakit
Kung di rin hihimlay sa 'yong kandungan
Makalilibo pang ako ay mamatay.